Ikinatuwa ng Palasyo ng Malacanang ang resulta ng survey ng Social Weather Station o SWS na nagpapakita na bumaba ang bilang ng mga walang trabaho sa mga adult sa bansa.
Base kasi sa pinakahuling SWS Survey, bumagsak ang adult joblessness rate sa 19.7% ngayong Marso 2019 mula 21.1% nung December 2018 at 22% nung September 2018.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, hindi hihinto ang administrasyong Duterte sa pagtatrabaho para maitaguyod ang good governance na isang malaking dahilan kung bakit dumami ang mga dayuhang gustong mag negosyo sa bansa na nagreresulta ng pagdami ng trabaho para sa mga Pilipino.
Sinabi din ni Panelo na tiwala sila na tataas pa ang bilang ng mga pilipinong magkakaroon ng trabaho at unti unti nang mababawasan ang mga tambay o mga walang hinagawa.
Nabatid na batay sa talaan ay umabot na sa 47.6 na milyong Pilipino ang labor work force ng bansa.