Resulta ng survey, patunay na naghahanap ang mamamayang Pilipino ng pananagutan at transparency mula sa mga lider ng bansa

Iginiit ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Representative France Castro na malinaw ngayon na naghahanap ng pananagutan at transparency ang mamamayang Pilipino mula sa mga namumuno sa bansa.

Sabi ni Castro, ito ang mensahe ng resulta ng SWS survey kung saan 88% ng mga Pilipino ang naniniwalang dapat harapin ni Vice President Sara Duterte ang kaniyang impeachment case.

Paalala pa ni Castro, ang usapin sa impeachment trial ni VP Duterte ay hindi ‘popularity contest’ kundi accountability o panangutan kaugnay sa paggamit sa pondo ng bayan.

Diin ni Castro, ang pagpapairal ng pananagutan ay sandigan ng demokrasya kaya dapat walang sinuman ang hayaang makalusot sa layuning pagkamit ng hustisya at katotohanan.

Facebook Comments