Resulta ng SWS survey hinggil sa good public satisfaction rating ng gabinete ni PRRD, welcome sa Malacañang

Manila, Philippines – Welcome sa Malakanyang ang resulta ng pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagpapakitang napanatili ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “good” public satisfaction rating.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo – inspirasyon ang naturang survey para mas pagbutihin pa nila ang kanilang trabaho.

Susulitin aniya nila ang nalalabing tatlong taon ng Duterte administration para tuparin ang mga ipinangako ng Pangulo na pagbabago.


Hinimok naman ni Panelo ang mga mamamayan na isantabi ang pagkakaiba, sa halip at magkaisa para sa hangaring mapaunlad ang bansa.

Facebook Comments