Hindi pa kumpleto ang inilabas na survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan 60% ng mga Pilipino ang nagsasabing malalabag ng Pangulo ang 1987 Constitution kung tatakbo ito bilang bise presidente.
Ayon kay Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) President at Energy Secretary Alfonso Cusi, kulang pa ang mga tanong sa survey dahil nakapaloob lamang dito kung magkakaroon ng paglabag sa konstitusyon ang pagtakbo ni Pangulong Duterte.
Imbes aniya na ganito, iginiit ni Cusi na dapat isama rin sa mga tanong kung sakaling payagan ng konstitusyon ang pangulo na tumakbo ay iboboto pa rin ba ito ng mga Pilipino.
Samantala, para kay Cusi ay maituturing na matibay na base ang 39% ng mga Pilipino na nagsabing nais nilang tumakbo si Pangulong Duterte sa pagkabise-presidente.
Isinagawa ang survey mula June 23 hanggang 26, 2021 kung saan aabot sa 1,200 Filipino adults ang lumahok.