Resulta ng SWS survey na nagpapakitang maraming Pinoy ang hindi sang-ayon sa impeachment ni VP Sara, nirerespeto ng Palasyo

Iginagalang ng Malacañang ang sentimyento ng mga publiko patungkol sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Kasunod ito ng resulta ng SWS survey nitong Hunyo, kung saan nakasaad na 42% ng mga Pilipino ay hindi sang-ayon sa impeachment laban sa ikalawang pangulo.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nirirespeto nila ito pero nasakamay ng mga mambabatas ang paggulong ng proseso.

Muli ring binigyang-diin ng opisyal na walang kinalaman ang Palasyo sa impeachment at ayaw aniya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maipahid ito sa administrasyon.

Hindi aniya kailanman makikialam ang pangulo matuloy man o hindi ang impeachment trial.

Iginiit din ni Castro na walang political persecution na nagaganap sa kaso ng VP Sara, lalo’t nakita naman ng lahat ang mga dokumento na naisiwalat sa mga nakalipas na pagdinig.

Facebook Comments