Resulta ng SWS survey, nagpapakita na maraming Pilipino ang nais managot si VP Sara

Malinaw para sa mga leader ng Kamara na nais ng publiko na magkaroon ng pananagutan ang mga opisyal ng gobyerno base sa resulta ng Social Weather Station (SWS) survey na 41% ng mga Pilipino ang sumusuporta sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Bunsod nito ay iginiit ni Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales na dapat nang ipaliwanag at linawin ni VP Duterte kung saan napunta at paano ginamit ang nasa mahigit P612 million na confidential funds ng kanyang tanggapan at ng Department of Education sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Sinabi naman ni Deputy Speaker at Quezon Rep. David “Jayjay” Suarez, dapat igalang ang damdamin ng publiko na nais ituloy ang mga reklamong impeachment laban sa pangalawang pangulo.


Malinaw naman para kay Deputy Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre na ang survey ay indikasyon na puno na at sawa na ang publiko sa Duterte-style politics at paalala rin ito na buhay ang demokrasya ng bansa.

Facebook Comments