Target ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na mailabas ang resulta ng water test sa Oriental Mindoro ngayong linggo.
Kasunod ito ng panawagan ni Oriental Mindoro Governor Hurmelito Dolor na madaliin ang paglalabas ng resulta upang matukoy ang mga lugar na ligtas pang pangisdaan.
Matatandaang nagpatupad ng fishing ban sa karagatan ng Oriental Mindoro bunsod ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress.
Dahil dito, apektado ang kabuhayan ng halos 19,000 mangingisda sa probinsya.
Samantala, pinag-aaralan na rin ng BFAR na bigyan ng kasanayan ang mga residente sa fish processing at ilapit sila sa market linkage program na magbibigay sa kanila ng alternatibong mapagkakakitaan habang umiiral ang fishing ban.
Facebook Comments