RESULTA | PNP, kumbinsido sa pagbaba ng common crime sa bansa base na rin sa huling survey ng SWS

Manila, Philippines – Sinang-ayunan ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang resulta ng huling survey ng Social Weather Station na bumaba ng krimen o common crimes sa bansa.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. John Bulalacao simula ng maupo bilang hepe ng Pambansang Pulisya si PNP Chief Ronald Dela Rosa makikita ang pagbaba ng common crimes sa bansa.

Ito ay aniya ay dahil sa mas pinaigting na pagsasagawa ng Anti-Illegal Drugs Campaign ng PNP.


Sinabi pa ni Bulalacao na ikinatutuwa ng kanilang hanay ang pagbaba rin ng bilang ng mga drug users sa Metro Manila pero inamin ng PNP na challenge para sa kanila ang pagtaas bilang ng drug users sa Visayas at Mindanao kaya mas pinaiigting nila ang kanilang kampanya kontra iligal na droga.

Batay sa 4th quarter 2017 SWS survey, bumaba ng 5.6 percent ang nabibiktima ng common crimes katulad ng physical violence, pickpockets, at carnapping.

Facebook Comments