Resulta sa biktima umano ng Meningo ilalabas na sa Biyernes

Manila, Philippines – Tiniyak ng pamunuan ng Manila Health Department na ilalabas na nila ang resulta ng eksaminasyon sa hinihinalang biktima ng Meninggoccemia na hindi binanggit ang pangalan kung saan naka-confined sa Gat. Andres Bonifacio Memorial Hospital ang biktima na sumasailalim sa dialysis.

Ayon kay Eduardo Serrano Chief Division Preventable Diseases ng Manila Health ilalabas nila ang resulta ng pagsusuri sa darating na Biyernes kung talagang positibo nga ang biktima sa naturang nakakahawa at nakamamatay na sakit.

Paliwanag ni Serrano mahirap talagang malaman ng isang tao kung saan manggagaling ang naturang sakit kaya at kinakailangan na mag-ingat ang publiko.


Payo ni Serrano sa publiko na iwasan pumunta sa mga matataong lugar at ugaling magsuot ng face mask upang hindi mahawa ng sakit na Meninggoccemia.

Facebook Comments