Posibleng mailabas na sa Disyembre sa kasalukuyang taon ang resulta sa clinical trial ng Department of Science and Technology (DOST) sa Ivermectin kontra COVID-19.
Kahit inaasahang sa Abril sa susunod na taon pa matatapos ang clinical trial ng nasabing gamot.
Sinabi ni DOST Sec. Fortunato Dela Peña, nagsimula ang clinical trial ng bansa sa Ivermectin noong kalagitnaan ng Agosto 2021 at ito ay makukumpleto sa loob ng walong buwan.
Aniya, kung magtutuloy-tuloy ang recruitment at maikli lamang ang panahon ng gamutan, posibleng matapos na ang clinical trial sa loob ng anim na buwan at magkaroon na ng resulta sa Disyembre.
Dagdag pa ni Dela Peña, sinusunod nila ang double-blind, placebo-controlled, parallel-group randomized clinical trial na may tatlong intervention arms.