Manila, Philippines – Aabangan nalang ng Palasyo ng Malacanang ang resulta ng pagaaral ng MMDA sa posibilidad na magpatupad ng Flexible time para sa mga kawani ng Gobyerno.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ipinaubaya na nila sa MMDA ang pagaaral sa naturang pagaaral at umaasa sila na sa lalong madaling panahon ay maibibigay sa kanilang ang resulta ng pagaaral upang mabigyang solusyon ang mabigat na daloy ng sasakyan sa Metro Manila.
Tinyak naman ni Abella na ginagawa ng gobyerno ang mga praktikal na solusyin upang maaksyunan ang matagal nang problema ng publiko sa kalakhang Maynila.
Matatandaan na nagbigay ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa MMDA sa naganap na cabinet meeting kung saan gusto ng Pangulo na doblehin ang multa sa mga violators lalo na sa illegal parking at number coding at tanggalin ang mga nakahambalang sa kalsada.
Gusto din aniya ng Pangulo na kasuhan ng MMDA ang mga kapitan ng barangay na hindi tatalima at hindi maghihigpit sa mga iligal na nakaparada sa kanilng mga lugar.