Resupply mission sa Ayungin Shoal, muling tinangkang pigilan ng China

Muling na namang hinarass ng China Coast Guard at ng Chinese Maritime militia ang barko ng Pilipinas na magsasagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal, ngayong araw.

Ayon sa National Task Force for the West Philippine Sea, kaninang 7:30 ng umaga ay sinalubong ng umano’y ‘dangerous maneuvers’ ang supply boats ng Pilipinas na Unaizah Mae 1 at M/L Kalayaan.

Ginamitan pa umano ng China Coast Guard ng water cannon ang M/L Kalayaan.


Gumamit din ng rigid-hulled inflatable boats ang China Coast Guard sa loob mismo ng lagoon ng Ayungin Shoal para pigilan ang paglapit ng supply boats sa Sierra Madre.

Gayunpaman, nabigo ang China na pigilan ang resupply mission ng mga barko sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Facebook Comments