Resupply mission sa Ayungin Shoal, naging matagumpay!

Bagama’t hinarass ng mga barko ng China, hindi pa rin nagpatinag ang ating pwersa dahilan upang maging matagumpay ang panibagong rotation and reprovisioning (RoRe) mission sa Ayungin Shoal ngayong araw, September 8, 2023.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Medel Aguilar, ang nasabing tactical operation ay isang pagpapakita ng matatag na pagtataguyod sa ating sovereign rights at hurisdiksyon sa ating maritime zones.

Aniya, responsibilidad ng Sandatahang Lakas na tiyakin ang kapakanan ng mga sundalong nagbabantay hindi lamang sa Ayungin Shoal maging sa iba’t ibang sulok ng bansa.


Giit pa ng opisyal, hindi mananaig ang unprofessional act at dangerous maneuvers ng Chinese Coast Guards at Chinese maritime militia sa pagsasagawa ng ating pwersa ng legal and legitimate operations na naka angkla sa rules-based international order.

Kasunod nito, nagpapasalamat ang AFP sa patnubay ng National Task Force for the West Philippine Sea maging sa suporta ng Philippine Coast Guard at ng sambayanang Filipino para maging matagumpay ang kanilang misyon ngayong araw.

Facebook Comments