Resupply mission sa Ayungin Shoal, tuloy ayon sa AFP

Sa kabila nang water cannon incident noong August 5 sa mga tropa ng militar ng Chinese Coast Guard sa West Philippine Sea.

Tuloy ang resupply mission ng pamahalaan sa mga sundalong nakaposte sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Medel Aguilar, nakatuon ang Sandatahang Lakas sa pagsasagawa ng isa pang rotation and resupply (RORE) mission.


Aniya, ang pagsasakatuparan ng ating mga karapatan at hurisdiksyon sa soberanya ay isang patunay ng ating matatag na paniniwala na nakabatay sa rules-based international order na nagpapatibay sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

Sinabi pa ni Medel na misyon ng RORE ang pagpapakita ng ating determinasyon na manindigan laban sa anumang pagbabanta o pananakot at gayundin ang pagtataguyod sa Rule of Law.

Kasunod nito, suportado ng AFP ang pagkakaroon ng mapayapang resolusyon sa hindi pagkakaunawaan kasabay nang panawagan sa mga sangkot na partido na sumunod sa international law at igalang ang soberanya, mga karapatan at hurisdiksyon ng Pilipinas sa ating maritime zone.

Facebook Comments