Magsasagawa ng resupply missions ang philippine Navy para sa mga Pilipinong sundalong nakatalaga sa iba’t-ibang military detachments sa Kalayaan Group of Islands sa West Philippines Sea.
Lulan ng landing tank ship na BRP Benguet, ang Naval Forces West Resupply Mission ay binubuo ng mga sundalo at sibilyan na emplyado at kinatawan ng government agency at isang private firm.
Ilan sa mga sundalo ay papalitan ang mga tropang matagal nang nakalataga sa lugar.
Ayon kay Commodore Sean Anthony Villa, Commander ng Naval Forces West layunin nito na magpadala ng supply ng pagkain at tubig sa mga tauhang dumidipensa sa island detachments ng Pilipinas sa Kalayaan Island Group.
Ang send-off ceremony ay ginanap sa Puerto Princesa City at ang barko ay pamumunuan ni Lt/Cmdr. Rolando Borromeo.