Retail price ng regular milled rice, tumaas sa ikalawang bahagi ng Disyembre 2025 —PSA

Tumaas ang presyo ng regular milled rice sa bansa sa ikalawang bahagi ng Disyembre noong 2025 batay sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa PSA, ang naitalang average retail price ng regular milled rice ay nasa P42.10.

Mas mataas ito noong unang bahagi ng December 2025 kung saan naitala ng ahensya ang P41.38 pesos at ikalawang bahagi ng November na P40.56 kada kilo.

Samantala, bumaba naman ito mula sa price level noong sa ikalawang bahagi ng December 2024 sa P48.98 at unang bahagi ng December 2024 sa P49.01.

Facebook Comments