Kakausapin ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mga lider ng mga retailer ng bigas sa buong bansa kaugnay sa kanilang pangambang pagkalugi makaraang iutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagpapatupad ng price ceiling sa bigas.
Layunin ng hakbang ni Romualdez na makahanap ng solusyon sa magiging epekto sa mga retailers ng price ceiling sa bigas.
Daing ng mga retailers, nasa halos P50.00 per kilo na ang kuha nila ng bigas mula sa mga traders kaya paano sila susunod sa price ceiling na P41.00 per kilo para sa regular milled rice P45.00 naman sa well milled rice.
Ayon kay Romudez, hindi pwedeng hindi sila tatalima sa utos ng pangulo dahil bukod sa penalty ay maari din silang sampahan ng gobyerno ng kasong kriminal.
Isa sa nakikitang solusyon ni Romualdez ang pagbibigay ng tulong o ayuda sa mga apektadong retailers.