Retaliatory attack ng mga tauhan ng napatay na ISIS leader na si Abu Bakar Al-Baghdadi pinag-handaan ng Philippine National Police

Naka-full alert ngayon ang buong hanay ng Philippine National Police o PNP hindi lamang para sa undas kundi para pag-handaan ang posibleng retaliatory attack ng mga tauhan nang namatay na si ISIS leader Abu Bakr Al-Baghdadi.

Ito ay matapos na kumpirmahin mismo ni US President Donald Trumph na namatay na ang lider ng teroristang ISIS sa operasyon ng US military sa Northwest Syria nitong weekend.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brig General Bernard Banac hanggang sa ngayon ay walang namomonitor na terrorist threat ang PNP mula sa mga ISIS symphatizer sa bansa.


Facebook Comments