Retiradong Empleyado ng Gobyerno sa Tuguegarao City, Binaril ng Riding-In-Tandem!

Tuguegarao City, Cagayan – Binaril sa leeg ang isang retiradong empleyado ng gobyerno ng riding in tandem pasado alas kwatro ng umaga kahapon, May 29,2018 sa kahabaan ng Bagay Road, Caritan Centro, Tuguegarao City.

Sa impormasyong ipinarating sa RMN Cauayan, ang biktima ay kinilalang si Perfecto Lazaro, dating empleyado ng National Power Corporation, 66 taong gulang at residente ng Caritan Sur, Tuguegarao City.

Batay sa pangyayari, habang minamaneho ni Lazaro ang tricycle nito patungong Cagayan Sports Complex para sa araw -araw na ehersisyo, ay biglang lumapit ang umanoy sumusunod na motorsiklo at binaril ang biktima.


Sa tulong ng mga tao na malapit sa lugar ay itinakbo sa pagamutan si Lazaro para sa karampatang lunas.

Kaugnay nito, natagpuan sa nasabing lugar ang isang basyo ng calibre 45 at nagsagawa na ng checkpoint ang kapulisan ng Tuguegarao City para sa agarang pagkadakip ng mga suspek.

Facebook Comments