Retiradong engineer huli dahil sa pagtatago ng mga hindi lisensyadong baril sa Lanao del Norte

110

Arestado ang isang retired engineer matapos makuhaan ng mga loose firearms o mga hindi lisensyadong baril sa Brgy. Magoong, Linamon, Lanao del Norte.

Sa ulat ng PNP-CIDG, ang naaresto ay kinilalang si Joseph Yu, 66 anyos na inaresto matapos salakayin ng mga pulis ang kanyang lugar sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Alberto Quinto, Presiding Judge ng 12th Judicial Region, RTC Branch 21, sa Kapatagan, Lanao del Norte.

Nakuha sa retired engineer ang mga hindi lisensyadong caliber .38 revolver, 30 rounds ng ammunition para sa caliber .38 revolver, 2 rounds ng wadcutter ammunition ng caliber. 38 revolver, isang empty shell ng caliber .38 revolver, at isang brown holster para caliber .38 revolver.

Sa imbestigasyon pa ng PNP CIDG natukoy na si Yu ay bagong lider ng “Yu gun for hire at Gunrunning Group” na nag-o-operate sa Linamon at ilang mga munisipyo sa Lanao del Norte.

Sa ngayon, nakakulong na ang retired engineer at nahaharap na sa kasong Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Facebook Comments