Retiradong Pulis, Pinagbabaril-Patay ng Riding-in-Tandem

30

Cauayan City, Isabela-Idineklarang dead on arrival sa pagamutan ang retiradong PNP Member matapos pagbabarilin ng hindi pa matukoy na riding-in-tandem dakong alas-12:00 ng tanghali kahapon sa Barangay Barancuag, Tuao, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Nestor Daracan, 62-anyos, may-asawa at residente ng Centro 2, Tuao, Cagayan.


Lumabas sa imbestigasyon ng Tuao Police Station, binabagtas ng biktima ang kanlurang direksyon ng daan lulan ng kanyang motorsiklo na walang plaka ng bigla itong pagbabarilin ng mga suspek dahilan para mawalan ito ng kontrol sa motorsiklo at bumagsak sa sementadong daan habang mabilis na tumakas ang mga salarin.

Dahil dito, nagtamo ng tama ng bala ng baril sa dibdib ang biktima na sanhi ng kanyang pagkamatay.

Narekober sa crime scene ang tatlong (3) basyo ng bala ng caliber 45 pistol at motorsiklo na gamit ng biktima.

Inalarma naman ang ilang kalapit na himpilan ng pulisya para sa posibleng ikadarakip ng mga salarin sa pagpatay sa retiradong pulis.



Facebook Comments