Retiradong Seaman sa Cabatuan, Pinatay ng Riding in Tandem!

312

Cabatuan, Isabela – Nasawi agad ang isang retiradong seaman sa Macalaoat, Cabatuan, Isabela matapos barilin sa dibdib ng riding in tandem sa oras na 6:40 ng umaga, March 14,2018.

Sa pakikipag-ugnayan ng RMN Cauayan News Team kay Police Senior Inspector Prospero A. Agonoy, Acting Chief of Police ng PNP Cabatuan, nabatid na ang biktima ay kinilalang si Bernardo Antonio Domingo, 69 anyos, may asawa at residente ng naturang lugar

Sinabi pa ni PSI Agonoy na nagtamo ng dalawang tama sa dibdib si Domingo na dahilan ng agarang ikinasawi nito.

Batay naman umano sa mga nakakita ng pangyayari, ang suspek ay nakasuot ng sumbrero, short pants, striped jacket at gumamit ng di pa malamang klase ng baril.

Nabatid na ang biktima ay nakatayo lamang sa gilid ng national highway na may kausap sa nasabing oras nang bigla na lamang lumapit ang lalaki at binaril si Domingo. Pagkatapos binaril ay lumakad ng mabilis sa kabilang bahagi ng daan ang lalaki at sumakay sa naghihintay na kasama nito lulan ng single motorcycle at tumalilis patungong south direction.

Sa karagdagang imbestigasyon ng PNP Cabatuan at Cauayan Crime Laboratory, narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang slug at fire case ng bala.

Nagpaabot narin ng impormasyon ang PNP Cabatuan sa iba pang police station para sa agarang pagkakakilanlan at pagkakahuli sa suspek.

Tinitingnan narin ng ang umanoy death treath kay Domingo sa nakalipas na buwan at ang ilang nakalap nang impormasyon sa posibleng suspek.

Facebook Comments