Retiradong Sundalo, Arestado sa Kasong Bigamy!

*Cauayan City, Isabela- *Dinakip ng mga alagad ng batas ang isang wanted na retiradong sundalo sa Brgy. Alibagu, City of Ilagan, Isabela.

Nakilala ang akusadong si Mario Palad, 62 taong gulang, may-asawa at residente ng Brgy. Alibagu, City of Ilagan, Isabela.

Inaresto si Palad sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni RTC Branch 1, Borongan City, Eastern Samar judge Elvie Picardo Lim dahil sa kinakaharap na kasong bigamy o pagpapakasal ng dalawang beses.


Dinala sa PNP Gamu ang akusado para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Nagkakahalaga ng Php72,000.00 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Facebook Comments