Retiradong Sundalo, Patay ng masalpok ang minamanehong motorsiklo ng SUV

*Cauayan City, Isabela*- Dead on arrival ang isang retiradong sundalo matapos mabangga ang kanyang minamanehong motorsiklo ng isang Mitsubishi L300 bandang 8:00 kaninang umaga sa bypass-road na sakop ng Brgy. Buenavista, Santiago City.

Kinilala ang nasawing biktima na si Edwin Sangbaan, 56 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Abra, Santiago City.

Nakilala naman ang iba pang sangkot na sasakyan na isang Toyota Innova na minamaneho ni Johnmar Aggalot, 33 anyos at residente ng Brgy. Buenavista at Mitsubishi L300 na minamaneho ni Junino Pilla, 41 anyos at residente ng P1 Brgy. Poblacion, Diadi, Nueva Vizcaya.


Ayon kay PCMS Jomel Elegado ng PNP Traffic Group, imbestigador sa kaso, lumalabas sa imbestigasyon na tatawid sana ang biktima sa nasabing lansangan patungo sa Barangay Ambalatungan ng aksidenteng masalpok ang kanyang motorsiklo ng L300.

Ayon naman sa Rescue 1021 Santiago City, nagtamo ng bali sap aa at matinding sugat sa ulo ang biktima na dahilan ng kanyang pagkamatay.

Nahaharap naman sa kasong Reckless imprudence resulting in Homicide and Damage to Property si Pillo na nasa kustodiya ngayon ng pulisya.

Facebook Comments