Retiradong Sundalo sa Naguillian Isabela, Sugatan Matapos Maaksidente!

Naguillian, Isabela – Sugatan ang isang retiradong sundalo matapos maaksidente sa kahabaan ng National Road ng Brgy. San Manuel, Naguillian, Isabela.

Kinilala ang retiradong sundalo na si Rowil Bassig Mercado, limampung taong gulang, may asawa at nakatira sa Brgy. Guibang, Gamu, Isabela.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Naguillian, nakaidlip umano ang biktima habang minamaneho ang sasakyan nito na Hyundai Starex kung saan ay nahagip ang bakal na rehas ng daan at nawalan ng kontrolado ang manibela nito na sanhi ng pagbaliktad ng sasakyan nito.


Sa resulta ay nagtamo ng sugat sa katawan si Mercado na nagpapagamot na sa isang ospital samantalang malalang nasira naman ang kanyang sasakyan.

Facebook Comments