Retired AFP Chief of Staff Gen. Gilbert Gapay, inalok ng bagong pwesto sa gobyerno ni Pang. Duterte

Inalok mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati kanina sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Change of Command Ceremony sa Camp Aguinaldo ang bagong retired AFP Chief of Staff na si General Gilbert Gapay ng pwesto sa gobyerno.

Aniya, gusto niyang pamunuan ni Gapay ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) o di kaya naman ay magkaroon ng pwesto sa Department of National Defense (DND).

Binati rin ng Pangulo si Gapay sa tagumpay na pamumuno sa AFP.


Aniya, hindi matatawaran ang nagawa ni Gapay para sa militar matapos ang halos 40 na taong pagseserbisyo.

Dahil kay Gapay, napalakas ang operational effectiveness ng AFP.

Samantala, nagpahayag naman ng kumpyansa si Duterte kay Lt. Gen. Cirilito Sobejana na bagong AFP Chief of Staff.

Aniya, nais niyang mas maging vigilant at pro active si Sobejana para sa paglaban sa insurgency at terorismo sa bansa.

Facebook Comments