Retired AFP general na nagpapakalat ng mapanirang post vs top officials, kinasuhan

Naghain na ng kaso sa Quezon City Prosecutors Office si Philippine National Office Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., laban sa dating heneral na ngayon ay vlogger.

Ito ay may kinalaman sa mapanirang post sa social media ng vlogger na kumakaladkad sa pangalan ni Gen. Acorda at ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr.,

Ang sinampahan ng kasong paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code as amended by R.A. 10591 in Relation to Section 6 of the Cybercrime Law ay si Johnny Lacsamana Macanas.


Si Macanas na dating opisyal ng Philippine Army ay may-ari ng YouTube page na “The Generals Opinion” at nag-post na kinakausap na raw nina Acorda at Brawner si Pangulobg Ferdinand Marcos Jr. para bumaba pwesto.

Mismong si Gen. Acorda ang nagsampa ng kaso.

Ang pagsasampa ng kaso ni Acorda ay isang patunay na kailangang respetuhin ang karapatan ng bawat isa.

Ani Acorda, bagama’t nirerespeto ang karapatan ng lahat ng tao na magpahayag ng kanilang saloobin laban o pabor man kanino man or kaninong grupo maging sa gobyerno subalit ang pag-exercise ng karapatang ito ay dapat nasa ilalim ng umiiral na mga batas.

Paalala ng opisyal, huwag gamitin ang social media para lamang sa views o pagdami ng followers.

Hindi lamang ito sa kaniya, bilang PNP chief kundi babala ito sa mga nagpapakalat ng fake news o disinformation.

Facebook Comments