Retired AFP, patay matapos pagbabarilin ng 3 lalaki

24

Negros Oriental, Philippines – Dead on Arrival ang isang miyembro ng retired AFP matapos barilin ng maraming beses ng hindi pa nakikilalang tatlong lalaki sa Barangay Lumapaw, pasado alas 6 ng gabi sa lungsod ng Canlaon sa lalawigan ng Negros Oriental.

Ang biktima ay nakilalang si Ronie Montejo, 59-anyos, may asawa at nakatira sa Barangay Mabigo sa nasabing lungsod.

Ayon sa imbestigasyon ng polisya, bumisita sa kanyang palayan mismo sa nasabing Barangay ng lapitan ng 3 lalaking nakamotor at agad binaril ang biktima at tumakas ang mga suspek.

Agad namang dinala ang biktima sa hospital pero dineklrang dead on arrival ito aton sa doktor.
Inaalam na ngayon ng awtoridad ang motibo ng krimen.

Facebook Comments