
Inaresto ng mga awtoridad si Retired Airforce Maj. Gen. Romeo Poquiz matapos nitong lumabas ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 pagkagaling ng Bangkok, Thailand.
Si Poquiz na lead convenor ng United Peoples Initiative (UPI) ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 77.
Ito’y may kaugnayan sa kasong rebelyon at inciting to sedition na inihain ng Department of Justice (DOJ).
Agad na isinakay sa pribadong sasakyan ang dating heneral paglakabas mula sa north dock ng nasabing terminal kung saan bantay sarado siya ng mga tauhan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at Quezon City Police Disitrict (QCPD).
Si dating Maj. Gen. Poquiz ay kilala bilang isa sa mga kritiko ng kasalukuyang administrasyon kung saan iginiit ng kampo nito na inihayag lamang niya ang pagkadismaya na nararamdaman ng karamihan ng mga Pilipino.
Ang grupo din nito na United Peoples Initiative (UPI) ang nag-organisa ng kilos protesta sa People Power Monument noong buwan ng November 2026.
Dismayado naman ang isa sa mga legal counsel ni Ret. Maj. Gen. Poquiz na si Atty. Ferdie Topacio dahil hindi man lang nila nakaharap at nakausap ang kliyente nang isilbi ang warrant of arrest.










