Manila, Philippines – Hindi na pinagpahinga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Retired Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Eduardo Año.
Kahapon din kasi ay nilagdaan ni Pangulong Duterte ang kanyang Appointment Paper para sa posisyong Undersecretary sa Department of Interior and Local Government o DILG.
Ngayon kasi inilabas ng Malacanang ang opisyal appointment paper ni Ano sa DILG para tulungan si Interior and Local Government OIC Catalino Cuy sa pagpapatakbo sa Philippine National Police.
Nabatid na hihintayin lang ni Ano ang 1 year ban bago ito tuluyang maupo bilang kalihim ng DILG dahil sa batas na nagbabawal na siya ay italaga bilang head of agency pagkatapos ng kanyang retirement sa serbisyo.
Matatandaan na kahapon lang din ginanap ang Retirement Ceremony para sa kay Ano sa Camp Aguinaldo na pinangunahan ni Pangulong Duterte.
Retired General Eduardo Año, pormal nang itinalaga sa DILG
Facebook Comments