Retired generals na idinadawit sa P6.4B shabu shipment, papaharapin sa pagdinig ng Senado

Manila, Philippines – Ipapatawag ni Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon sa susunod na pagdinig ang mga retiradong heneral na nakakaladkad sa paglusot sa Bureau of Customs ng malaking shipment ng shabu galing sa China.

Ito ay kinabibilangan nina retired generals Juancho Saban at Allen Capuyen.

Sa pagdinig ng Senado ngayong araw ay binanggit ng Customs broker na si Mark Taguba na kapatid ni retired General Saban ang Mike Saban.


Si Mike aniya ay may kakayahang magpataw ng alert sa mga shipment na dumadaan sa BOC tulad ng ginawa sa kanya ng makaaway nito ang kanyang ama.

Habang si retired General Capuyan naman ay kabilang sa ikatlong grupo na binibigyan niya ng 10,000 pisong tara kada-container van.

Kapalit nito ang pag-email sa kanya ng tarriff codes na kanyang gagamitin sa pagpasok ng kanyang shipment para hindi ito maalerto at sa halip ay sa green lane dumaan.

Maliban dito, muling ipapatawag ni Senator Gordon si Davao City Councilor Nilo “Small” Abellera na miyembro umano ng Davao Group at siyang direktang mag-uugnay kay Vice Mayor Paolo Duterte sa paglusot sa Customs ng mga iligal na kontrabando.

Facebook Comments