Nagbabala si Retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na babagsak ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) kung patuloy ang China na manghihimasok sa exclusive economic zones ng mga bansang nakapaligid sa South China Sea, kabilang ang Pilipinas.
Ayon kay Carpio, kapag nakuha ng China ang Exclusive Economic Zone (EEZ) ng limang coastal areas sa lugar ay mangangahulugan lamang nito na natibag ang UNCLOS.
“UNCLOS will no longer serve as the constitutional law for the oceans and seas of our planet and all other coastal states, the small coastal states, will be at the mercy of their bigger neighbors who will just seize their exclusive economic zone,” sabi ni Carpio.
Pangamba ni Carpio na mapipilitan ang mga bansa na bumili ng mga barkong pandigma at missiles para protektahan ang kanilang maritime zones at mga pondong nakalaan sa edukasyon at social services ay magagamit lamang sa pagbili ng war machines.
Pinayuhan ni Carpio ang pamahalaan na i-akyat sa UN General Assembly ay July 2016 Arbitral Ruling ng Permanent Court of Arbritation ng The Hague, Netherlands.
Ang mga miyembro ng G7, European Union, Estados Unidos, France, United Kingdom, Australia, Japan at India ay nanawagan sa China na sundin ang Arbitral Ruling.