Manila, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Ret. Gen. Dionisio Santiago bilang bagong pinuno ng Dangerous Drugs Board.
Ayon kay Presidential Communications Sec. Martin Andanar – noon pang Miyerkules, July 5 nang i-appoint si Santiago sa posisyon.
Taong 2003 hanggang 2004 nang magsilbing direktor ng Bureau of Corrections si Santiago at naging hepe ng PDEA mula 2006 hanggang 2010.
Papalitan niya si Benjamin Reyes na unang nang tinanggal sa posisyon noong Mayo dahil sa pagpipresenta ng mga bilang ng illegal drug users na taliwas sa statistics na hawak ng gobyerno.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558
Facebook Comments