Retired PNP Chief Guillermo Eleazar, naghain ng kandidatura sa pagka-senador

306

Naghain na ng kanyang kandidatura sa pagkasenador si retired Philippine National Police (PNP) Chief Guillermo Eleazar.

Pinalitan ni Eleazar ang nag-withdraw ng Certificate of Candidacy (COC) na si Paolo Capino.

Si Eleazar ay tatakbong senador sa ilalim ng Lacson-Sotto tandem.


Samantala, kabilang naman sa party-list groups na naghain ng withdrawal at substitution para sa kanilang nominees ang Bisaya Gyud, Kapamilya, Damayan, Promdi, Moro Ako – OK at ACTS OFW Party-list groups.

Naghain din ng withdrawal sa kandidatura si Joseph Jocson na senatorial candidate ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Alas-2:00 naman mamayang hapon ay inaasahang dadating sa Commission on Elections si Presidential Spokesman Harry Roque para maghain ng kandidatura sa pagka-senador.



Facebook Comments