Retired Police Colonel, patay; Isa, sugatan sa naganap na malakas na lindol sa Masbate

610
Courtesy: Erasto Alerta

Naitala ng Masbate Philippine National Police (PNP) ang pagkasawi ng isang retired Police Colonel at pagkasugat ng isa pa matapos ang naganap na magnitude 6.5 na lindol sa lalawigan ng Masbate kaninang umaga.

Sa ulat ng PNP, ang nasawi ay kinilalang si Gilbert Sauro, retired Colonel, residente ng Sitio Alimango, Brgy. Concepcion, Cataingan, Masbate, habang ang nasugatan ay kinilalang si Ronalyn Condrillon, residente ng Poblacion, Cataingan, Masbate.


Sa initial assessment pa ng PNP sa lalawigan, may mga gusali ang nasira partikular ang Public Attorneys Office, Old at New Cataingan Public Market, maging ang gusali ng Cataingan Municipal Police Station.

Nasira rin ang mga concrete road at docking area ng Cataingan Port, at mga residential house ng mga biktima.

Sa ngayon, nagsasagawa ng search and retrieval operation ang mga tauhan ng Masbate PNP sa lalawigan.

Facebook Comments