Retired Police General Benjamin Acorda, itinatanggi ang kaugnayan sa pagtakas ni Alice Guo sa bansa

Tiniyak ni dating PNP Chief Retired Police General Benjamin Acorda kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa na wala siyang kinalaman sa pagtakas ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo sa bansa dahil sa mga kinakaharap na kaso sa iligal na POGO.

Ayon kay Dela Rosa ito ang sinabi sa kanila ni Acorda sa group chat nilang mga dating PNP Chief.

Itinatanggi ni Acorda ang lumutang na pagdududa na baka siya ang dating PNP chief na tumulong sa pagpuslit ni Guo palabas ng bansa matapos na ipakita sa pagdinig ng Senado ang ilang mga larawang kasama ang mga target na POGO personalities.


Siniguro sa kanila ni Acorda na wala siyang ginawang masama at hindi siya tumulong sa pag-alis ni Guo.

Sinabi ni Dela Rosa na hindi dapat husgahan si Acorda batay lamang sa litrato dahil normal lang naman na may magpapakuha sa kanila ng larawan kapag pinuno ng Philippine National Police (PNP).

Kahit naging kakilala pa ng dating PNP chief ang mga sangkot sa POGO hindi rin aniya ito nangangahulugan na sangkot na rin si Acorda sa mga iligal na gawain ng POGO.

Facebook Comments