Retired Senior Associate Justice Antonio Carpio at dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales, naghain na rin ng petisyon sa Korte Suprema kontra Anti-Terror Law

Naghain na rin ng petisyon sa Korte Suprema sina Retired Senior Associate Justice Antonio Carpio at dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales, gayundin si Maritime Law Expert Jay Batongbacal at ilang UP professors laban sa Anti-Terrorism Law.

Ito na ang ika-11 petisyon na inihain sa Supreme Court laban sa nasabing batas.

Sa kanilang petisyon, hiniling nila na ideklarang unconstitutional ang buong Republic Act 11479 o ang Anti-Terrorism Act.


Hiniling din nila ang pagsasagawa ng oral arguments sa mga petisyong inihain sa Kataas-Taasang Hukuman.

Una nang ipinag-utos ng Supreme Court ang pag-consolidate sa unang sampung (10) petisyon na inihain ng iba’t ibang sektor kabilang na ang ilang militanteng mambabatas at law experts.

Ang Anti-Terrorism Law ay epektibo na nitong Sabado, July 18, 2020.

Facebook Comments