Manila, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si retired Supreme Court Justice Jose Mendoza sa Judicial and Bar Council.
Papalitan nito si retired SC Justice Angelina Sandoval-Gutierrez.
Si Mendoza ay fraternity brother ng Pangulo sa Lex Talionis sa San Beda College of Law.
Una nang isinumite ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang nominasyon ni Mendoza kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno noong Oktubre 4.
Facebook Comments