Retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, nagbabala sa pagkontrol ng China sa ilang bahagi ng NGCP

Nagbabala si Retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio sa kontrol ng China sa ilang bahagi ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ayon  kay Carpio, pwede kasi itong maging banta sa seguridad ng pilipinas.

Sinabi pa ni Carpio, dapat maimbestigahan ito ng gobyerno.


Nasa 40% ng NGCP ang kontrolado ng State Grid Corporation ng China.

Una nang sinabi ng National Transmission Corporation na kaya ng China na kontrolin ang pangunahing linya ng kuryente ng Pilipinas sa pamamagitan lamang ng Internet.

Magpapatawag na ng pulong ang Joint Congressional Energy Commission para pag-usapan ang pangangasiwa sa Transmission Line ng bansa.

Facebook Comments