Retired teacher, biktima ng estafa; Suspek na matandang dalaga, arestado sa Mandaluyong City

Kalaboso ang isang matandang dalaga matapos na lokohin nito at pangakuan ang isang retired teacher na tutulungang ayusin ang problemang legal sa bahay sa Unit 102 Diamond Tower Condominium, Mariveles St., Barangay Highway Hills, Mandaluyong City.

Kinilala ang suspek na si Cristina Flores, 48-anyos, nangungupahan sa biktimang si Victoria Despi, 53-anyos, retired teacher.

Batay sa salaysay ni Despi sa pulisya, nitong buwan ng August 2020, nagkaroon siya ng legal na problema tungkol sa kaniyang bahay sa Cavite kung saan nagpasya siyang maghanap ng private attorney.


Dito na nakarating sa suspek ang problema at nangakong maghahanap ng abogado kung saan hiningian ang biktima ng P271,000 sa iba’t ibang okasyon bilang pambayad umano sa abogado na mag-aasikaso sa problema nito sa kaniyang bahay.

Nagtataka ang biktima sa kabila ng sunod-sunod na pangyayari ay hindi pa rin nareresolba ang problema nito kaya’t nagpasya ang biktima na iberipika ang pangalan ng abogado na nireffered ng suspek sa Oliva Firm & Associates Law Firm at natuklasan niyang hindi konektado sa naturang Law Firm ang abogadong inirefer ng suspek.

Nagpasya ang biktima na humingi ng tulong sa Mandaluyong Police Station at nagsagawa ng entrapment operation makaraang humingi na naman ng karagdagang P12,000 ang naturang suspek.

Nakakulong na sa Mandaluyong Police Station Custodial Facility ang suspek at sinampahan ng kasong Estafa Thru Falsification of Public Documents.

Facebook Comments