Manila, Philippines – Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na nalulugi ang gobyerno sa maagang mandatory retirement Age ng mga nasa serbisyo sa Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.
Ayon kay Pangulong Duterte, masyadong maaga ang 56 years old para sa retirement ng mga sundalo at pulis dahil masyado pang bata ang mga ito at produktibo pa ang mga ito sa ganoong edad.
Kaya naman sinabi ni Pangulong Duterte na mas mainam na 60 years old din ang retirement age ng mga sundalo at pulis tulad nalang din ng ipinatutupad sa iba pang empleyado ng pamahalaan.
Sinabi din naman ni Pangulong Duterte na maaari namang ilagay sa mga magagaan na trabaho ang mga 56 years old pataas habang napapanatili ang kaniang pagiging prudoktibo hanggang sila ay umabot sa 60 taong gulang at maging mga senior citizens.
Retirement age ng mga pulis at sundalo, gustong pataasan ni Pangulong Duterte
Facebook Comments