Retirement benefits ni Wilfredo Gonzales, dapat isauli

Marapat lamang na ibalik ni Wilfredo Gonzales ang kanyang tinanggap ng retirement benefits mula sa Philippine National Police (PNP).

Ito ang pagbibigay diin ni PNP Spokesperson Pcol. Jean Fajardo matapos itong ma-dismissed sa serbisyo nuong 2018 dahil sa patong-patong na kaso.

Ayon kay Fajardo, kanyang aalamin kung magkano sa kabuuan ang natanggap na retirement benefits ni Gonzales.


Paliwanag nito, simula nuong ma-dismissed ito sa serbisyo nuong 2018 ay tigil narin ang pagtanggap nito ng benepisyo.

Pero 2016 pa aniya ito nagretiro matapos maabot ang mandatory retirement age na 56 years old.

Aniya, dapat maisauli ni Gonzales ang mga natanggap nyang benepisyo mula 2016 hanggang 2018 na posible ding umabot sa milyon dahil sa ilan taon nitong paglilingkod bilang isang pulis.

Facebook Comments