Retirement benefits ni Wilfredo Gonzales, pinababawi na ng PNP

Pinasasauli na ng Philippine National Police (PNP) ang tinanggap na retirement benefits ni Wilfredo Gonzales.

Si Gonzales ang dating pulis na sangkot sa pananakit at pagkasa ng baril sa isang siklista sa Quezon City na nag-viral sa social media kamakailan.

Ayon kay PBGen. Niño David Rabaya, director ng PNP Retirement and Benefits Administration Service, dapat ibalik ni Gonzales ang mahigit ₱500, 000 na tinanggap niyang benepisyo mula 2016 hangang 2018.


Nabatid na simula noong ma-dismiss si Gonzales sa serbisyo noong 2018 ay hindi na ito tumatanggap ng benepisyo pero 2016 pa aniya ito nagretiro matapos maabot ang mandatory retirement age na 56 years old.

Sakaling hindi maisauli ni Gonzales ang benepisyo, magsasampa ang PNP ng civil case laban dito.

Facebook Comments