Manila, Philippines – Itinakda sa Biyernes, October 5 ang retirement ceremony ng Korte Suprema para kay Chief Justice Teresita de Castro.
Sa retirement ceremony, magkakaroon ng special en banc session ang Supreme Court at programa para ilatag ang mga naging kontribusyon ni de Castro sa Hudikatura.
Sa darating na October 10 ang nakatakdang retirement ni de Castro kaya pangungunahan pa nya ang regular en banc session sa umaga sa October 9
Si de Castro din ang mangangasiwa sa ikalawa at posibleng huling oral argument sa petisyon ng opposition senators sa pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal Court.
Facebook Comments