Retirement honors para kay dating PNP Chief Torre matapos tanggapin ang posisyon sa MMDA, hindi pa umano napag-uusapan ng PNP

Hindi pa umano napag-uusapan ng Philippine National Police (PNP) ang retirement honors para sa dati nitong Chief na si General Nicolas Torre III .

Ito ay matapos tanggapin nito ang posisyon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bilang General Manager.

Ayon kay PNP Spokesperson at PIO Chief PBGen. Randulf Tuaño, base sa nauna nang pahayag ng NAPOLCOM, itinuturing na “ipso facto” resigned sa police force si Torre dahil sa kanyang pagtanggap sa puwesto sa MMDA.

Kaugnay nito , makikipag-ugnayan na rin umano si Tuaño sa Directorate for Personnel Records and Management (DPRM) para malaman ang tamang proseso kaugnay ng posibleng paggawad ng nasabing retirement honors.

Inaasahan naman ng PNP na magiging maayos ang koordinasyon nito sa MMDA, lalo’t na at naging dating PNP chief si Torre.

Samantala, wala pang ulat kung kailan igagawad kay Acting PNP Chief PLTGen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang four-star rank dahil ang kautusang ito ay manggagaling umano sa Malacañang.

Facebook Comments