Retraining sa mga pulis Caloocan natapos na, mahigit isang daang police officers hindi nakapasa

Manila, Philippines – Natapos na ngayong araw sa halos dalawang Focused reorientation and moral enhancement ang 1076 na police officers ng PNP Caloocan.

Matatandaang isinailaim sa retraining ang mga pulis na ito matapos ang sunod-sunod na pagkakapatay ng ilang menor de edad sa Caloocab dahil sa umano’y mga ikinasang drug operations ng PNP Caloocan.

Pero ayon kay PNP National Capital Region Police Office Director Oscar Albayalde hindi lahat ng 1076 ay police officers ay nakatapos sa isinagawang retraining.


Sinabi ni Albayalde out of 1076 police officers, 104 ay bumagsak.

29 dito ay inirekomendang maitalaga sa labas ng National Capital Region,41 ay isasailalim uli sa retraining.

Habang 32 ay unfit o wala nang kapasidad para gampanan ang tungkulin bilang pulis.

Dalawa naman ay AWOL o Absence Without Official Leave.

Umaasa naman si Albayalde na sa pamamagitan ng retraining na ito mababago ang pananaw at paraan ng pagta trabaho ng mga participants sa retraining.

Facebook Comments