Manila, Philippines – Kinatigan ng Korte Suprema ang Philippine Airlines sa pagsibak ng libu-libong empleyado nito matapos ang 20 taon.
Sa botong 7-2, pinagtibay ng kataas-taasang hukuman ang desisyon ng court of appeals noong 2006 kung saan legal ang retrenchment o pagtanggal sa mga empleyado nito.
Batay sa desisyon, hindi pinilit ang mga empleyado na pirmahan ang mga quick claims o kasulatang hindi na sila maghahabol sa kumpanya.
Noong 2008 at 2009 nang isantabi ng Korte Suprema ang desisyon ng dalawang dibisyon nito sa kaso ng PAL laban sa Flight Attendants at Stewards Association of the Philippines (FACAP) na kumatawan sa mga tinanggal na empleyado.
Wala pang tugon ang FACAP hinggil dito.
Facebook Comments