Retrieval ng ballot boxes sa Marcos poll protest, ipinag-utos na ng Korte Suprema

Manila, Philippines – Ipinag-utos na ng Korte Suprema na siyang tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) ang retrieval ng ballot boxes kaugnay ng election protest ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Naglabas ng resolusyon ang Supreme Court para sa pagbuo ng retrieval team na kukuha sa ballot boxes.

Inaatasan din ng PET ang retrieval team na i-locate at i-examine ang lahat ng ballot boxes sa contested provinces at cities para sa paghakot sa mga balota patungo sa Supreme Court compound.
Inatasan din ng Presidential Electoral Tribunal ang kampo ni Marcos at ni Vice President Leni Robredo na magtalaga ng kani-kanilang mga kinatawan para sa paghahakot ng mga balota.


Facebook Comments