Retrieval ng balota, malayo pang masimulan ayon sa Kampo ni Vice President Leni Robredo

Manila, Philippines – Hindi pa agad mapapasimulan ang retrieval ng ballot boxes sa tatlong lalawigan na nais ipabuksan ng natalong kandidato sa pagka bise presidente na si Bonbong Marcos.

Ayon kay Atty. beng Serdillo, abogado ni Vice President Leni Robredo, malayong magsimula agadang retrieval dahil wala pang matatawag na Preliminary Conference Order ang Presidential Electoral Tribunal (PET) na reresolba sa mga masalimuot na isyung kaugnay ng retrieval.

Ang laman aniya ng PET resolution ay nag-aatas lamang sa pagbuo ng team na magsasagawa ng exploratory works kung paano kukuhanin ang may 6,000 na ballot boxes sa Camarines Sur, Iloilo, at Negros Oriental.


Maliban dito, may pitong mosyon pa na inaantay nilang desisyunan ng PET bago ang pagbabalik suri sa mga balota.

Facebook Comments