RETRIEVAL NG MGA BALLOT BOXES NA GINAMIT SA ELEKSYON NOONG 2019, SINIMULAN NA SA BAYAMBANG

15

Pinangunahan ng Municipal Treasury Office ng Bayambang ang retrieval of ballot boxes na ginamit noong May 13, 2019 sa national at local elections.

Ito ang unang hakbang para sa preparasyon sa nalalapit na May 9, 2022 national at local Elections.


Sa naturang retrieval operation ay kasama ang Comelec, PNP, PPCRV, at iba’t-ibang political parties sa nasabing retrieval ng mga ballot boxes.

Tinignan at binuksan ang mga boxes kung ano pa ang maaari pang gamitin sa darating na eleksyon.

Inimbentaryo naman ang mga laman nito sa transparency at maiwasan ang glitches umano sa kanilang isinagawang retrieval.

Samantala, ang naitala na mga unserviceable ballot boxes ay isasaayos para sa proper disposal ng mga ito.



Facebook Comments